Isang makabuluhang selebrasyon ang isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas bilang bahagi ng ika-125 Anibersaryo ng Philippine Civil Service nito lamang ika-29 ng Setyembre, 2025.

Sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office (PHRMO), ginawaran ng parangal ang mga natatanging indibidwal at tanggapan na nagsilbing inspirasyon sa kanilang tapat at kahanga-hangang serbisyo sa bayan.

Hindi lamang ito simpleng paggawad ng parangal, ito ay pagpupugay sa mga huwarang empleyado na naglilingkod nang may buong puso. Sila ang patunay na ang tunay na bayani ay hindi lamang nasa labanan, kundi nasa araw-araw na serbisyo para sa kapwa.

Sa bawat ngiti ng mga ginawaran, dama ang inspirasyon at pananabik na mas pagbutihin pa ang kanilang tungkulin.

Source: Batangas PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *