Sa gitna ng banta ng Bagyong Opong, taas-noong humaharap ang Tanauan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat Tanaueño ngayong araw, Setyembre 26, 2025.

Nakahanda na ang mga emergency vehicles, kagamitan, at mga kawani mula sa CDRRMO, BFP Tanauan, PNP, at Philippine Coast Guard. Ang kanilang mabilis na pagkilos ay patunay ng malasakit at dedikasyon para sa kapakanan ng komunidad.

Sa panahong sinusubok tayo ng kalikasan, muli nating pinatutunayan na ang pagkakaisa at bayanihan ang tunay na lakas ng Tanauan.

Sa bawat unos, may liwanag at sa bawat pagsubok, nariyan ang ating mga lingkod-bayan—hindi sumusuko, laging handa.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *