Tuwa at saya ang maaninag sa mukha ng mga benepisyaryo ng iba’t ibang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region, sa isinagawang “๐ฏ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐: ๐บ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐” Caravan na ginanap sa Fuerte Camarines Sur Sports Complex, kaugnay sa selebrasyon ng kaarawan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nitong Sabado, ika-13 ng Setyembre, 2025.
Bahagi ng Caravan ang pagpapalaganap ng Tamang Tulong sa Tamang Impormasyon (3Ti) sa pamamagitan ng DSWD Booth, kung saan layong palawakin ang kaalaman ng publiko sa mga programa at serbisyo ng ahensya at tuluyang makalayo sa Fake News.
Bukod dito, ang DSWD Bicol ay namahagi rin ng Family Food Packs sa mga benepisyaryo ng naturang probinsya.
Bilang suporta sa kabuhayan ng mga mamamayan, dalawang asosasyon mula sa bayan ng Pasacao, ang pinagkalooban ng ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ญ๐๐ฅ sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Sa pamamagitan ni Assistant Regional Director for Administration (ARDA) Raul A. Enojas, sa ngalan ni Regional Director Norman S. Laurio ibinigay ang Tulong Kapital na nagkakahalaga ng Php 240,000 para sa SMMSC SLP Association at Php 390,000 para naman sa Itulan Farmers SLPA.
Ibinida at ibinenta rin sa caravan ang mga produkto ng mga benepisyaryo ng SLP upang isulong ang sariling gawang pangkabuhayan.

Alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian at sa pamumuno ni RD Laurio, ang DSWD Bicol ay nakilahok sa aktibidad kasama ang iba’t ibang ahensya mula sa Camarines Sur, upang makiisa sa pagtugon sa kahilingan ng Pangulo sa araw ng kanyang kaarawan na ilapit ang tulong at serbisyo ng iba’t ibang ahensya o pamahalaan sa mamamayang Pilipino, lalo na sa mga nasa laylayan sa lipunan.
Source: DSWD Field Office V