Isang gabi ng ningning at sigla ang muling ipinamalas ng kabataang Quezonian sa matagumpay na Quezonian Pasiklaban 2025 na ginanap noong Setyembre 12 sa Quezon Convention Center, Lucena City.
Sa pangunguna nina Provincial Youth Development Officer Carlo Villasin at SK Federation President at Board Member Jackelyn Delimos, naging makulay at makabuluhan ang gabi ng tagisan ng talento.
Mula sa mga awitin, sayawan, hanggang sa tugtugan ng mga banda, walang kapantay ang dedikasyon at husay na ipinakita ng mga kalahok mula sa iba’t ibang bayan.

Ang gabi ay mas pinasaya ng Olay Yapanit Band at lalong pinakilig ng espesyal na pagtatanghal ni Rob Deniel, na lalong nagpaigting ng diwa ng pagkakabigkis at pag-asa.
Ang Quezonian Pasiklaban ay hindi lamang patimpalak, kundi isang paalala na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at sa kanilang mga talento, tayo’y may tiyak na magandang kinabukasan.
Source: Provincial Government of Quezon