Ngiti at masasaganang bunga ang bumungad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V-Bicol Region nang isagawa ang Monitoring and Evaluation ng mga communal garden and small-farm water reservoir sa Brgy. Bigaa at Buyuan, Legazpi City nito lamang Agosto 28, 2025.
Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Barangay Council, City Agriculture Office, PLAB Partner-Beneficiaries, at ang DSWD Focal ng Albay upang masiguro ang maayos na implementasyon at pangangalaga sa mga itinanim na gulay at halaman.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain, na masigasig na isinasakatuparan ng DSWD Bicol sa pamumuno ni Secretary Rex Gatchalian.
Kaagapay nito, patuloy ang pagpapatupad ng Project LAWA at BINHI (PLAB) sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, kung saan tinitiyak na ang kanilang mga partner-beneficiaries ay mahigpit na nasusubaybayan upang masigurong bawat hakbang ay nakakatulong sa pagpapalago ng ani, pagpapaunlad ng kabuhayan, at pagpapatibay ng seguridad sa pagkain ng komunidad.
Source: DSWD Field Office V