Isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at mas malusog na kinabukasan ng mga pamilyang Calapeño ang isinagawa noong Agosto 28, 2025 sa Calapan City Convention Center, sa pamamagitan ng Buntis Congress 2025 na pinangunahan ng City Health and Sanitation Department katuwang ang City Nutrition Section.

Dumalo at nagpahayag ng buong suporta sa programa sina City Mayor Doy Leachon at ang ika-10 Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni Vice Mayor Bim Ignacio, bilang pagkilala sa kahalagahan ng kalusugan ng mga ina at ng maayos na pagpaplano sa pagbuo ng pamilya.

Tinalakay sa pagtitipon ang mahahalagang paksa tulad ng pangangalaga sa buntis, wastong nutrisyon, at family planning, na layuning bigyan ng sapat na kaalaman ang mga nagdadalang-tao at mga pamilyang nagnanais magkaanak. Nagbigay rin ng libreng konsultasyon at impormasyon ang mga eksperto sa kalusugan at nutrisyon.

“Hindi lang ito para sa mga buntis ngayon, kundi para sa kinabukasan ng buong pamilya. Kapag may sapat na kaalaman at suporta ang bawat pamilya, mas tiyak ang pag-unlad ng ating lungsod,” pahayag ni Mayor Leachon.

Ang Buntis Congress 2025 ay patunay ng patuloy na pagkilos ng pamahalaang lokal upang maisulong ang kalusugan at kapakanan ng bawat Calapeño.

Source: Mayor Doy Leachon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *