Isinagawa sa SM City San Mateo ang “Likhang Kamay, Yaman ng Bayan: Dressmaking Livelihood Program” noong August 11, 2025, na dinaluhan ng ikalawang batch ng mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng komunidad.

Layunin ng programang ito na bigyan ng karagdagang kaalaman at kasanayan ang mga kalahok upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapalawak ang oportunidad sa hanapbuhay.

Sumailalim ang mga benepisyaryo sa tatlong araw na masinsinang pagsasanay sa ilalim ng Peñaflorida Atelier, kung saan natututunan nila ang mga teknik at tamang proseso sa pananahi. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas mapapahusay nila ang kanilang kakayahan at mas magiging handa upang magsimula o mapalago ang sariling negosyo sa larangan ng dressmaking.

Nagpaabot ng pasasalamat sina Acting Municipal Mayor Grace Diaz at Acting Municipal Vice Mayor Noel Sta. Maria sa lahat ng kababayan, kawani ng Pamahalaang Bayan, at iba’t ibang ahensya na naging katuwang upang maisakatuparan ang programang ito.

Tunay na patunay ito na sa Bayan ng San Mateo, ang serbisyo ay handog para sa lahat—isang hakbang tungo sa mas maunlad at mas masaganang komunidad.

Source: San Mateo Rizal Public Information Office FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *