Matagumpay nang sinimulan ang makulay at makasaysayang pagdiriwang ng ika-21 Kawayan Festival at ika-115 Anibersaryo ng pagkakatatag ng bayan ng Famy, Laguna noong ika-11 ng Agosto, 2025.

Ang aktibidad ay may temang “The Home of the Bamboo Weavers,” kung saan binibigyang-pugay ng Famy ang likas na husay ng mga mamamayan sa paghahabi ng kawayan.

Ito ay isang sining na sumasalamin sa tiyaga, disiplina, at pagkamalikhain ng bawat Famyeño.

Pinangunahan ni Mayor Lorenzo Rellosa ang mga aktibidad tulad ng street dance, tree planting, at pagbubukas ng arkong pambungad, mga simbolo ng masiglang komunidad at pagkakaisa.

Ang Kawayan Festival ay higit pa sa kasiyahan, ito’y pagpupugay sa kultura, pagkakaisa, at pagmamahal sa sariling bayan.

Source: Opisyal na FB Page ng Pamahalaang

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *