Pinangunahan ng BFAR 5 ang ikalawang regular na pagpupulong ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC) Sub-Committee on Fishing and Marine Environment Protection noong Agosto 8, 2025, sa Legazpi City, Albay.

Kabilang sa mga pangunahing napagkasunduan ang pangako ng Department of Justice 5 na bumuo ng isang training module para sa pagsasampa ng mga kasong may kaugnayan sa pangingisda, at ang mungkahi na bigyang-orientasyon ang mga kasapi ng RLECC-SCFMEP tungkol sa DOJ Department Circular No. 20, Series of 2020.

Napag-usapan din ang pagsasama ng proseso ng adjudication ng BFAR, ang pag-uugnay ng mga operational protocol ng iba’t ibang ahensya, at ang pagde-deputize sa mga Wildlife Enforcement Officers.

Ang pulong ay pinangunahan ni BFAR 5 Regional Director Ariel U. Pioquinto at dinaluhan ng 15 sa 22 kasaping ahensya, kabilang ang Department of Justice 5, Police Regional Office 5, Coast Guard District Bicol, National Bureau of Investigation, Department of Environment and Natural Resources 5, Naval Forces Southern Luzon, Department of the Interior and Local Government 5, National Intelligence Coordinating Agency 5, Philippine Army, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Regional Maritime Unit, MARINA 5, Philippine Ports Authority, at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ibinahagi ng bawat ahensya ang kanilang mga accomplishment report mula Abril hanggang Hulyo 2025, na tumutok sa sama-samang pagkilos para sa pangangalaga ng katubigan at yamang-dagat.

Source: BFAR Bikol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *