Ligtas na tinulungan ng mga kapulisan katuwang ang ilang nga residente ang 2 pamilya na lubos na apektado ng baha sa Barangay Pawa sa Legazpi City.
Bandang 3:59 ng madaling araw ng Hulyo 24, 2025 ng agarang rumesponde sa tawag ng emergency sina PSSg Moyo at PSSg Britanico, Mobile Patrollers ng Sector 3 ng Legazpi City Police Station.

Ayon sa ulat, biglang binaha ang mga kabahayan sa Purok 1 ng nasabing barangay matapos na magiba ang isang parte ng pader sa ginagawang kalsada sa lugar na nagdulot ng panganib sa buhay ng mga pamilyang nakatira dito.
Hindi alintana ang dilim ng kapaligiran at banta ng panganib, agad na rumesponde at nag-abot ng mabilisang aksyon ang dalawang miyembro ng pulisya katuwang ang iilang nga residente kung kaya’t nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang 2 pamilya.
Source: LegazpiCps Legazpi