Namahagi ng PSWDO ang 384 Family Food Packs (FFPs) sa mga residente ng bayan ng El Nido na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Crising at Habagat noong Hulyo 21, 2025.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), bilang bahagi ng augmentation support mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan, alinsunod sa direktiba ni Gobernador Amy Roa Alvarez.

Ang mga food packs ay naipamahagi sa mga piling barangay ng El Nido na lubhang naapektuhan ng matinding pag-ulan at pagbaha sa mga Brgy. Pasadeña, Bucana, San Fernando, Brgy. Mabini, New Ibajay, at Sibaltan, Brgy. Manlag, Aberawan, Bagong Bayan, Bebeladan, Brgy. Villa Libertad, Buena Swerte, Maligaya, at Masagana.

Ang bawat food pack ay naglalaman ng 6 kilo ng bigas, assorted canned goods, kape, at energy drink—mga pangunahing pagkain na maaaring agad gamitin ng mga pamilyang nawalan ng kabuhayan o nasalanta ng kalamidad.

Layunin ng aktibidad na maibsan ang kagutuman at kahirapang nararanasan ng mga apektadong pamilya habang patuloy ang rehabilitasyon at pagbangon ng mga komunidad.

Patuloy namang nananawagan ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga residente na manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at agad na magsumbong ng anumang insidente upang mas mapabilis ang pagresponde ng mga awtoridad.

Source: Palawan Island Network

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *