Isinagawa ang BAYANIJUAN Cook Fest 2025 bilang bahagi ng pagdiriwang ng BAYANIJUAN Festival 2025 sa Tiaong, Quezon. Ang BAYANIJUAN Cook Fest ay isang patimpalak sa tradisyunal na pagluluto na nilahukan ng mga kababaihang kasapi ng programang MEAksyon, na naglalayong itampok ang husay, galing, at kultura ng mga Tiaongin.

Pinangunahan ng muling nahalal na Konsehala Maja Esqueta, na kumatawan kay Mayor Vincent “RJ” Mea, ang pagbubukas ng programa. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng kababaihan hindi lamang sa loob ng tahanan kundi bilang tagapangalaga ng mayamang kultura ng Tiaong.

Sa pagtatapos ng patimpalak, limang kalahok ang kinilala bilang pinakamahusay na mga lutuin batay sa lasa, presentasyon, at kahalagahang kultural ng kanilang putahe. Tumanggap ang mga nanalo ng cash prizes mula sa lokal na pamahalaan at personal na insentibo mula kay Mayor RJ Mea.

Hindi lamang ito isang paligsahan kundi naging isang selebrasyon ng pagkakaisa at pagkilala sa kasanayan ng mga kababaihan. Isa itong patunay na ang tradisyunal na sining ng pagluluto ay mahalagang bahagi ng kultura ng Tiaong na nararapat itaguyod at ipasa sa mga susunod na henerasyon.

Sa pagtatapos ng programa, muling nanawagan ang pamahalaang bayan sa patuloy na pagtutulungan ng bawat mamamayan.

Ang BAYANIJUAN Cook Fest 2025 ay isa sa mga patunay na buhay na buhay ang kultura ng Tiaong at ito ay patuloy na isinusulong sa puso ng bawat Tiaongin, lalo na ng mga kababaihan.

Source: Andamyo Calabarzon FB Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *