Matagumpay na naani nitong Hunyo 15, 2025 ang kabuuang 44 kilong pechay mula sa communal garden na itinaguyod ng mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI sa bayan ng Donsol, Sorsogon. Ang ani ay bunga ng pagtutulungan ng mga kalahok sa ilalim ng Cash-for-Training at Work scheme ng DSWD Field Office V – Bicol Region na layuning paunlarin ang kakayahan ng mga pamayanan sa pagtatanim at lokal na produksyon ng pagkain.

Ang proyektong ito ay hindi lamang nagbibigay ng pansamantalang kabuhayan kundi nagsisilbi ring konkretong hakbang upang matugunan ang kakulangan sa pagkain at kita sa mga rural na lugar. Ang mga aning gulay ay maaaring gamiting dagdag na pagkain sa hapag o ipagbenta para sa karagdagang kita ng pamilya.

Sa pamumuno ni Regional Director Norman S. Laurio, patuloy na isinusulong ng DSWD Bicol ang mga programang tulad ng Project LAWA at BINHI bilang konkretong hakbang sa pagharap sa kahirapan, kakulangan sa pagkain, at epekto ng climate change.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *