Opisyal nang sinimulan ang konstruksyon ng Calamba-Bay Bypass Road Development Project sa pamamagitan ng isang makasaysayang seremonya na ginanap sa Barangay Tagumpay, Bay, Laguna.

Pinangunahan ito nina Governor Ramil Hernandez, Congresswoman Ruth Mariano Hernandez, at mga kinatawan mula sa Eco Toll Road Development Corporation (ERDC), DPWH, LLDA, at iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Ang naturang “bypass road” ay may habang 15.069 km na may 4-lane toll road na inaasahang magiging susi sa pag-unlad ng transportasyon, trabaho, turismo, at ekonomiya ng rehiyon—kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.

Layon ng proyektong ito na pabilisin ang biyahe mula Calamba patungong Bay sa loob lamang ng 20 minuto, habang binabawasan ang matinding trapiko at pinapalakas ang koneksyon ng mga bayan sa silangang bahagi ng lalawigan.

Source: Laguna PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *