Makulay at engrandeng parada ng mga likhang gawa ng mga Palaweño sa Float Parade Competition ang isasagawa bilang bahagi ng Baragatan Festival 2025 at kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng pagkakatatag ng gobyerno sibil ng Palawan na gaganapin sa Rizal Avenue nitong araw, Hunyo 13, 2025.
Ang aktibidad ay inorganisa ng lokal na pamahalaan kung saan ay lalahukan ito ng iba’t ibang munisipalidad sa lalawigan.
Ang pangunahing layunin ng Baragatan Festival 2025 ay ang pagkilala at pagdiriwang sa pagkakatatag ng civil government ng Palawan noong Hunyo 23, 1902, at sabay na pagsusulong ng pagkakaisa, kulturang Palaweño, at lokal na turismo at kabuhayan.
Mula sa salitang Cuyunon na bagat (pagsama-sama), ang pagdiriwang ay nagtutulak sa mga mamamayan at mga pamayanang katutubo na magtipon-tipon, ipakita ang kanilang sining, produkto, tradisyon, at kultura — kasabay din ng pagtaas ng kita para sa mga lokal na magsasaka, mangangalakal, at sining-bisita.
Source: PIO Palawan