Matagumpay na isinagawa ang Tree Planting Activity bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month at World Environment Day na ginanap sa Palawan nito lamang ika-11 ng Hunyo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad sa inisyatiba ng Ipilan Nickel Corporation (INC) na nilahukan ng 68 na mga empleyado. Aabot sa 350 puno ng Agoho ang itinanim sa Rehabilitation Block 38.
Isa itong hakbang tungo sa masusing pagtupad sa ating tungkulin kaugnay ng rehabilitasyon, lalo na’t dito nagmumula ang mga likas na yamang mahalaga sa industriya ng pagmimina na ginagamit sa paggawa ng mga kagamitan, imprastruktura, at iba pang mga bagay na bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay.
Source: The Palawan Times