Matagumpay na isinagawa ang 2025 Brigada Eskwela Division Kick-Off ng Department of Education Palawan na may temang “Brigada Eskuwela: Sama-sama para sa bayang Bumabasa” na ginanap sa Rizal Central School, Rizal I District, nito lamang ika-9 ng Hunyo 2025.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni SDS Elsie T. Barrios, PhD, kasama sina ASDS Rafael B. Manalo, ASDS Rodel Magnaye, SEPS Grace Estepano, CID Chief Pedro J. Dandal, Jr., SGOD OIC Allyn G. Gonda, PhD, Rizal District Supervisor Fe Agbon at mga Division Supervisors.
Kabahagi rin ng nasabing programa ang LGU Rizal sa pangunguna ni Mayor Norman S. Ong, Office of the Vice Mayor, Barangay Captain Eugenio H. Buenaflor, China Bank Savings, East West Rural Bank at The Palawan Times.
Pinagkalooban naman ng Php10,000 halaga ang Rizal Central School mula sa PPSTA Philippine Public School Teachers Association.
Layunin nito na pagtibayin ang bayanihan at pagkakaisa ng mga stakeholders sa paghahanda ng mga paaralan para sa ligtas, maayos, at handang pagbubukas ng klase.
Source: The Palawan Times