Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Lalawigan ng Rizal, matagumpay na isinagawa ang isang Clean-Up Drive noong Hunyo 11, 2025, sa Bungahan-Ampid River, Barangay Ampid 2, San Mateo, Rizal.

Nagsimula ang aktibidad bandang alas-sais ng umaga at nilahukan ng iba’t ibang sektor mula sa pamahalaan at komunidad.

Pinangunahan ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lokal ng San Mateo. Nakiisa rin sa aktibidad sina Hon. John Patrick Bautista Board Member, Ikatlong Distrito, Hon. Amador Libongco Jr. Acting Municipal Councilor, at Hon. Gil Suegay Punong Barangay ng Ampid 2, kasama ang mga kawani ng iba’t ibang tanggapan at ahensya.

Lumahok din ang mga kinatawan mula sa BJMP San Mateo, BFP San Mateo, MENRO, Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines, Iba’t ibang stakeholder at mga community volunteers.

Ang gawaing ito ay layong itaguyod ang malinis na kapaligiran at isulong ang bayanihan tungo sa kaunlaran.

Bukod sa pagsasagawa ng paglilinis sa ilog at paligid nito, layunin din ng aktibidad ang pagpapalakas ng kamalayang pangkalikasan sa mga mamamayan.

Ang matagumpay na Clean-Up Drive ay patunay ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mamamayan tungo sa isang mas malinis, ligtas, at maunlad na lalawigan na tunay na sumasalamin sa temang “Iisang Lalawigan, Iisang Hakbang Tungo sa Kaunlaran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *