Makapanindig-balahibong simula ang ipinamalas ng Koponan ng Tanauan sa pagbubukas ng PONY Baseball & Softball International Asia Pacific World Qualifying Championships – Mustang 10, matapos nilang makuha ang panalo sa unang laban na ginanap sa Muntinlupa Sports Complex noong ika-9 ng Hunyo, 2025.
Sa unang bugso ng torneyo, ipinakita na ng koponan ang kanilang husay, disiplina, at determinasyon na makuha ang kampyonato kaya walang inaksayang pagkakataon ang Tanauan nang talunin ang Lemery Hunters sa iskor na 10-0.
Patuloy ang suporta ng mga taga-suporta ng Tanauan at ng buong Pilipinas sa koponan, na layuning makamit ang karangalan para sa bansa sa pandaigdigang entablado ng baseball.
Source: Tanauan CGTV