Pormal na ipinakilala ng Serbisyong Tama Action Center (STAC) ang bagong biling mga kagamitan tulad ng dalawang (2) Type 2 ambulance, isang (1) tow truck, at isang (1) boom arm truck.

Ang mga kagamitang ito ay magsisilbing katuwang ng mga frontliner sa pagbibigay ng mabilis at maaasahang tulong sa oras ng pangangailangan, mula sa agarang pagresponde sa mga aksidente, pagliligtas sa mga buhay, hanggang sa pagdadala ng pasyente sa ligtas na lugar na may sapat na lunas.

Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng PDRRMO Laguna, patuloy ang paninindigan ng pamahalaan na walang maiiwan at bawat buhay ay mahalaga.

Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan upang mapabuti ang serbisyong pangkalusugan at pangkagipitan sa lalawigan.

Source: Laguna PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *