Nasagip ng isang guro at 12 anyos na estudyante ang isang Pangolin o “Balintong” sa bayan ng Taytay, Palawan nito lamang Hunyo 1, 2025.
Ang Balintong ay nakita sa isang construction site sa Barangay Bantulan, Taytay, nina Mr. Dino A. Nangit, guro mula sa Sader Elementary School, at Kent Ryan Gaves, 12 years old na estudyante. Agad naman nila itong itinurn-over sa CENRO Taytay para sa tamang pag aalaga.
Ang aksyong ito ay patunay lamang na ang mga residente sa lugar at kaisa sa layuning protektahan at panatilihin ang populasyon ng balintong (pangolin) sa pamamagitan ng pagsugpo sa ilegal na kalakalan at pangangaso, at pangangalaga sa kanilang natural na tirahan.
Source: DENR Mimaropa