Tinaguriang Rank 2 ang Entalula island sa bayan ng El Nido sa inilabas na 50 World’s Best Beaches, nitong ika-30 ng Abril 2025.
Maliban sa Entalula, nasa Rank 38 din ang Bonbon Beach ng Romblon, tanging ang dalawang beach lang sa bansa ang nakapasok sa listahan at Rank 1 naman ang Cala Goloritze sa bansang Italy.
Base sa diskripsyon, isang slice of heaven ang Entalula na may striking limestone cliff, dramatic backdrop, maputing buhangin, at malinaw ang tubig. Ilan sa naging criteria ng pagpili ay dapat unique ang beach, may mga buhay ilang sa lugar, untouch, madaling puntahan, madalas kalmado ang dagat, hindi matao o crowded at perfect beach day experience kung ihahambing sa ibang beach.
Ang The World’S 50 Best Beaches ay isang European base website na naglilista ng mga magagandang beach sa buong mundo, base sa boto ng mahigit isang libong travel professionals at influencers. Ang karangalang ito ay patunay lamang na hindi pahuhuli sa kagandahang natural ang ating bansang Pilipinas.
Source: The Palawan Times