Hinangaan ang kakaibang kabayanihan ng tatlong batang lalaki na nag-eedad ng 13 pababa matapos nilang tulungan ang isang tinatayang 3-taong gulang na batang babaeng naliligaw mag-isa sa bayan ng Brooke’s Point Palawan nito lamang ika-28 ng Abril 2025.

Nang mapansin umano ng mga batang lalaki na nawawala ang paslit, agad nila itong tinulungan at lakas loob na pinara ang patrol car ng pulisya na kanilang nakita para makahinge pa ng karagdagang tulong.

Agad namang umaksyon ang kapulisan at nakipagtulungan sa Brigada News FM Brooke’s Point at sa Municipal Social Welfare and Development Office. Dahil sa makabayaning pagtutulungan, agad na natunton ng kanyang mga magulang ang paslit at naiuwi na sa kanilang tahanan.

Binigyang pugay naman ng publiko ang tatlong kabataan dahil sa mura nilang mga edad ay pinairal na nila ang kanilang pagiging matulungin sa kapwa.

Source: Brigada News FM-Palawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *