Pinatunayang muli ng Palawan na hawak pa rin nito ang titulo bilang pinakamagandang isla sa buong mundo matapos maging Top 1 sa listahan ng ‘World’s Best Island to Visit’ para sa taong 2025.
Tinalo ng Palawan ang iba pang mga magagandang lugar sa mundo tulad ng Maldives na sikat na paraiso para sa mga honeymooners dahil sa pribadong villa sa ibabaw ng malinaw na asul na tubig at maputing buhangin at ang Santorini, Greece, na sinasabing pinagmulan ng nawawalang lungsod ng Atlantis at kilala sa iconic na white-washed buildings at asul na bubong na nakaharap sa Aegean Sea.
Sa inilathala ni Nicola Wood ng U.S News and World Report, isang American Media Company na naka-base sa Washington D.C noong Marso 2025, patuloy na hinahalina ng mahigit 7,100 isla at islet ng Pilipinas ang mga dayuhang bisita na mahilig sa adventure at beach.
Base sa kanilang analysis, ilan sa mga nagpapaganda sa mga pinakamahuhusay na mga isla sa mundo ang malawak na dalampasigan, mayamang kultura, at hindi pa nagagalaw na bahagi ng kalikasan.
Source: Repetek, Ang Diyaryo ng Pilipino