Matagumpay na isinagawa ang fruit carving contest bilang bahagi sa pagdiriwang ng Summer Fest sa bayan ng San Vicente, Palawan nito lamang ika-10 ng Abril 2025.
Ang aktibidad ay inorganisa ng mga opisyal ng bayan na dinaluhan ng mga residente. Nakalinya rin ang pagkakaroon ng mga aktibidad tulad ng beach volleyball, Fun Run, at Beach Party bilang kasiyahan sa pagdiriwang.
Layunin nitong maipakita ang pagkamalikhain, kasanayan sa sining ng ukit ng prutas, at mapalalim ang pagpapahalaga sa sining at kultura ng bawat Palaweno.
Source: Office of San Vicente Tourism.