Matagumpay na isinagawa ang “Environmental Summit 2024” sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan bilang pagpapalakas sa programang “The Green City of Calapan” na ginanap sa Calapan City Convention Center nito lamang ika-21 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Department (CENRD) na pinamumunuan ni City ENRO, Mr. Wilfredo G. Landicho, kung saan aktibong nakibahagi rito ang iba’t ibang mga guest speaker at nilahukan ng mga barangay official sa Lungsod ng Calapan.

Binigyang pokus sa nasabing aktibidad ang mga paksang hinggil sa Ecological Solid Waste Management and other Environmental Concerns, Barangay Health and Sanitation, Barangay Environmental Policies and Compliance, Presentation of Criteria for the Most Eco-Friendly Barangay, at Presentation of EPR Mobile Application.

Layunin nito na pag-usapan at tuklasin ang mga solusyon sa mga pangunahing isyu sa kapaligiran, itaguyod ang sustainable development, at palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa at sektor sa pagtugon sa climate change at iba pang hamon sa kalikasan.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *