Masayang tinanggap ng 30 Tayabasing fish pond owners ang 50,000 tilapia fingerlings na ipinamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para alagaan sa kanilang mga palaisdaan sa New Tayabas City Hall nito lamang ika-22 ng Nobyembre 2024.


Pinangunahan ng mga tauhan ng Office of the City Agriculturist ang pamamahagi ng semilya ng tilapia.
Ang patuloy na pamamahagi ng mga semilya ng tilapia at iba pang uri ng hayop na maaaring pakinabangan at pagkakitaan ng mga magsasakang Tayabasin ay bahagi ng HEART Agenda ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Rosauro Dalida, na naglalayong mas mapaunlad pa ang agrikultura sa Lungsod ng Tayabas.
Source: Tayabas City Information and Community Relations Office