Handa na ang isasagawang kauna-unahang Miss World Philippine-Batangas sa Lungsod ng Tanauan matapos makipag-ugnayan ng pamunuan nito kay Mayor Sonny Perez Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes noong ika-18 ng Nobyembre 2024.

Personal na ipinaabot ng pamunuan ang kanilang interes na isagawa ang coronation night ng pageant sa Lungsod ng Tanauan.

Inaasahan na sa darating na Marso 2025 kung saan lalahukan ng mga kandidatang Batangueña mula sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan.

Ang pageant na ito ay magsisilbing instrumento para sa bawat Batangueño upang maipakilala ang kanilang talento at ganda sa naturang larangan.

Source: Tanauan CGTV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *