Ipinakita na ang pinakabagong natuklasang Kuweba na tinawag na Bubulungon Cave na nakatanaw sa Malanut bay sa Lipuun Point ng Tabon Caves sa bayan ng Quezon nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.

Ang Bubulungon cave ay may mas nakakamanghang speleothems formations, ilan sa mga artifacts na nakita dito ay ang Metal Age Jar Burial, na pinapaniwalaang isang burial site ang nasabing kuweba mula sa Unang milenyo hanggang Second Millennium AD.

Sa Chamber B naman nito ay makikita ang anim na plato, 4 na banga na ginawang burial jars, na pinapaniwalaang galing sa Sung Dynasty mula 10th century hanggang 11th century AD. May isa pang mahalagang artifacts ang nakita dito, isang Indo Roman Bead na galing sa South India na mula 1st century BC at AD 200.

Ayon sa National Museum of the Philippines ang naturang kuweba ay hindi pa ito bahagi ng Tabon Caves tour.

Source: The Palawan Times

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *