Umulan man o umaraw, tuloy pa rin ang parada ng mga Higantes makalipas ang unos na dala ng bagyong Pepito sa Angono, Rizal noong ika-17 ng Nobyembre 2024.

Ang mga higantes ay inihalintulad sa mga taga Angono na anumang pagsubok o balakid, titindig pa rin.

Ang aktibidad ay nagbigay kulay at saya bilang bahagi ng Higantes at Arts Festival ng nasabing lugar.

Mananatiling may kulay, nakatindig, nakapamewang, ang mga HIGANTE dahil ang Angono ay bayan na hitik sa pag-asa at hindi paasa.

Source: Angono Tourism

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *