Tampok ang mga mini version ng mga higantes sa ginanap na Higantitos Fashionista Contest Inter-School Edition sa SM Center Angono noong ika-14 ng Nobyembre 2024.

Sa nasabing patimpalak, ang mga higantitos ay binihisan at dinisenyuhan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ng bayan ng Angono.
Dito ay ipinakita ang kanilang angking galing sa sining.

Ang mga nagwagi mula sa elementary at high school division ay nagkamit ng tropeyo, cash prize, at sertipiko ng pagkilala.

Ito ay bahagi ng selebrasyon ng Higantes and Arts Festival 2024 na may temang, “Nagkakaisa at tulong-tulong sa Higanteng Pagsulong. Keep Moving Angono na may Puso.”

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *