Matagumpay ang isinagawang paglulunsad ng “Bayan Ko, Titser Ko Program” sa pagitan ng Pamahalaang Bayan, Angat Buhay, Angat San Mateo, San Mateo Municipal College, at Justice Vicente Santiago Elementary School, nito lamang ika-5 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan nina Mayor Omie Rivera, Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Angat Buhay Program Manager for Public Education Barry Codera, Angat San Mateo Chairperson Qwyn Rivera, MLGOO Sherlyn OƱate-Resurreccion, SMMC President Dr. Reldino Aquino, PSDS Pitsberg De Rosas, School Head Cynthia Tompong, kasama ang mga volunteers, at mga kabataang benepisyaryo ng programa kasama ang kanilang mga magulang.

Layunin ng programa na makapagbigay ng tatlo hanggang anim na buwang remedial sessions sa mga kabataang nangangailangan ng dagdag na suporta sa pagbabasa sa tulong ng mga volunteer tutors ng Angat San Mateo upang tiyaking walang batang maiiwan sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Source : San Mateo Rizal PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *