Ipinagdiwang ng City Social Welfare and Development Office ng Calapan ang United Nations Day na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Child Development Center na ginanap sa munisipyo ng Calapan City, Oriental Mindoro nito lamang buwan ng Oktubre 2024.

Nakilahok rin ang Ina ng Lungsod na si Ginang Malou Flores Morillo, Ginang Juvy Bahia RSW (CSWDO), Ginang Ronalyn Pinohermoso – Child Development Worker, at ilan pang kawani mula sa CSWD.

Ayon kay Calapan City Mayor Malou Flores Morillo, ang aktibidad na ito ay maaaring maging daan para mas lumawak ang kaalaman ng ating mga kabataan tungkol sa mundo at sa mga nangyayari dito, at hindi lamang umikot sa pagandahan ng damit na suot.

Ang United Nations Day o Araw ng mga Bansang Nagkakaisa ay pandaigdigang ipinagdiriwang tuwing Oktubre na may hangaring ipabatid sa mga tao sa buong mundo ang mga layunin, hangarin, at tagumpay ng UN.

Source: Tatak Calapeño

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *