Naghatid tulong ang Department of Social Welfare and Development ng kabuuang 403,674 family food packs sa mga naapektuhan ng severe tropical storm Kristine noong Oktubre 26 at 5,163 naman ang naipamahagi sa MIMAROPA nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024.
Pinagtibay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mandato nitong tulungan ang mga Pilipinong nangangailangan sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa iba pang mga rehiyon, ang DSWD ay nagbigay ng kabuuang 145,186 sa rehiyon ng Bicol.
Bukod sa food packs, nagbigay din sila ng financial aid na humigit-kumulang Php10,000 bawat pamilya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Ang mga ito ay kadalasang ibinibigay sa mga pamilya sa rehiyon ng Bicol na nakatutok sa muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan matapos lumabas ang bagyong Kristine sa Philippine Area of Responsibility.
Ang iba pang rehiyon na binigyan ng food packs ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang field offices ay kinabibilangan ng CALABARZON, Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos, NCR, CAR, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.
Layunin nitong makatulong sa mga nangangailangan at makapaghandog ng ligaya sa bawat Pilipino matapos ang naranasang kalamidad.
Sa simpleng bagay na ito ay maiibsan ang kanilang hirap na nararanasan at makapagbibigay inspirasyon para sa muling pagbangon sa buhay.
Source: Palawan News