Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office V – Bicol Region ng kabuuang 747 Family Food Packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Jovellar, Albay nito lamang Oktubre 25, 2024.
Dahil sa mapanirang epekto ng Bagyong Kristine sa Jovellar, ang mga FFPs ay kasalukuyang ibinababa at dinadala mula Cabraran hanggang Poblacion, Jovellar dahil sa pagguho ng kalsada.
Ang pagsisikap na ito ay sa pakikipagtulungan ng 31st at 49th Infantry Battalion ng Philippine Army at ng Municipal Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Ang tulong na ito ay pangako ng departamento sa pagbibigay ng agarang suporta upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa mga darating na araw.
Ang Jovellar ay isa sa mga bayan sa ikatlong distrito ng Albay na nalubog ng tubig-baha noong Bagyong Kristine.
Source: DSWD Bicol