Namigay ng makakain ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 5 – Bicol Region sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes sa 575 na na-stranded na pasahero sa Tabaco Port nito lamang Oktubre 21, 2024.

Tinutugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Catanduanes ang pagkansela ng paglalakbay sa dagat dahil sa maalon na karagatan at malakas na hangin mula sa Tropical Depression Kristine.

Ayon sa PAGASA, lahat ng anim na probinsya sa Bicol Region ay apektado ng Tropical Depression Kristine. Ang DSWD Field Office, sa pangunguna ni RD Norman Laurio at suportado ng Disaster Response Management Division (DRMD) nito at mga local action team ay mahigpit na binabantayan ang mga daungan sa buong Bicol at nagbibigay ng agarang tulong sa mga stranded na pasahero.

Habang nakakaapekto ang Tropical Depression Kristine sa rehiyon, nananatiling nakaalerto ang DSWD FO 5 upang suportahan ang mga pamilya at indibidwal na naapektuhan ng bagyo.

Bilang paghahanda sa deployment ng resource, nag-preposition ang Field Office ng 161,019 family food packs (FFPs) at 78,739 non-food relief items sa iba’t ibang local government units (LGUs) at DSWD warehouses sa buong Bicol, handa para sa mabilis na pamamahagi sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *