Kaagad na nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na magkakaibang sunog sa lalawigan ng Albay nito lang Oktubre 11, 2024.

Sa tala ng DSWD Bicol, aabot sa tatlong pamilya o katumbas ng siyam na indibidwal ang nawalan ng tirahan dahil sa sumiklab na sunog sa Barangay Puro, Legazpi City, at Barangay Buga, Libon, Albay.

Dahil dito, namahagi ang ahensya ng Family Food Packs, maiinom na tubig, sleeping kits, hygiene kits, family kits at laminated sacks upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Aabot sa kabuuang Php24,080 halaga ng relief assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga apektadong pamilya.

Bukod dito, nangako rin ang DSWD Bicol na makakatanggap ang mga biktim ng Php10,000 tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program.

Source: DSWD Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *