Dinaluhan ng mahigit 400 na delegado ang 2nd MIMAROPA Cooperative Congress na may temang “Mga Kooperatiba: Mas Malakas na Sama-sama Ngayon Para sa Mas Maliwanag na Bukas” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month ngayong Oktubre 2024.

Ang aktibidad ay inorganisa ng CDA MIMAROPA katuwang ang Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ng Pamahalaang Panlalawigan, nakiisa rin si Palawan Governor Dennis M. Socrates, na kinatawan ni Executive Assistant IV Atty. Zaira Mae Awat, Cooperative Development Authority (CDA) MIMAROPA Regional Director Alberto A. Sabarias at CDA Chairperson Usec.

Ang mga delegado ay nagmula sa mga kooperatiba sa buong Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Ibinida sa aktibidad ang mga nagawa ng konseho. Nagtatampok din ito ng trade fair na nagpapakita ng mga natatanging produkto mula sa iba’t ibang lugar ng MIMAROPA, na nagpo-promote ng mga lokal na negosyo at mga inisyatiba ng kooperatiba.

Layunin nito na ang pagpapalawak ng kaalaman, pagpapalakas ng ugnayan sa pamamahala, at pagsusulong ng kabuhayan para sa mga kooperatiba sa rehiyon. Ito ay pagbibigay suporta at oportunidad para sa mga miyembro ng kooperatiba upang mapabuti ang kanilang pamamahala at makakuha ng impormasyon hinggil sa mga bagong teknolohiya at pamamaraan sa pagnenegosyo.

Source: Palawan News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *