Naisakatuparan ang aktibidad ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura ng Quezon sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) na ginanap sa OPA, Barangay Talipan, Pagbilao, Quezon noong ika-9 ng Oktubre, 2024.

Ito ay pinangunahan ni Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano at dinaluhan ng 130 na magsasaka mula sa nasabing probinsya.

Namahagi ng 700 bags ng fertilizers at 300 bote ng insecticides, pesticides, at fungicides, na nakatuon sa pagpapabuti ng cacao, mangga, kape, gulay, pineapple, at saging.

Ang mga ito ay gagamitin sa clustered projects, model farm, rejuvenation, at malakihang produksyon ng gulay.

Sa patuloy na pagtataguyod ng H.E.A.L.I.N.G agenda ni Governor Doktora Helen, ito ay nagsilbing suporta sa mga magsasaka upang mapalakas ang kanilang produksyon at maitaguyod ang mas matatag na sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *