Matagumpay na naisagawa ang sabayang turnover ng Rescue Vehicle mula sa Lalawigan ng Rizal na handog para sa bayan ng Angono noong ika-16 ng Setyembre 2024.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Bokal Jo Anne Saguinsin, na kumatawan kay Governor Nina Ynares.

Tinanggap naman ni Mayor Jeri Mae Calderon ang nasabing sasakyan na bahagi ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga inisyatiba ng bayan ng Angono para sa kaligtasan at kahandaan sa panahon ng sakuna.

Ito ay malaking tulong upang mas mapabilis ang operasyon lalong-lalo na sa pagresponde sa oras ng kalamidad at sa iba pang pangangailangan ng nasabing bayan.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *