Mahigit 500 na OFW ang dumalo sa OWWA-on-Wheels Service Caravan na hatid ng OWWA CALABARZON na ginanap sa San Mateo Municipal Stadium, nito lamang ika-17 ng Setyembre 2024.

Ang proyekto ay inisyatibo ng Pamahalaang Panlungsod, sa pamamagitan ng San Mateo Rizal Public Employment Service Office (PESO), at OWWA CALABARZON.

Iba’t ibang serbisyo ang ibinigay ng bawat booth tulad ng libreng medical consultation, pamamahagi ng hygiene kits, food packs, at konsultasyon sa iba pang serbisyong inaalok ng OWWA.

Nagpaabot ng mensahe ng pasasalamat sina Vice Mayor Jaime Romel M. Roxas, Mayor Omie Rivera, Konsi Jojo Juta, at Municipal Administrator Henry Desiderio para sa naturang aktibidad.

Samantala, sinabi naman ni OWWA CALABARZON Regional Director Rosario C. Burayag ang hangarin ng OWWA na patuloy na magbigay ng kanilang suporta sa ating mga kababayan na tinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa.

Source: San Mateo Rizal PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *