Matagumpay na naisagawa ang Serbisyong Tapat para sa lahat ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan na ginanap sa PGL Extension Office sa Halang, Lungsod ng Calamba noong ika-13 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay isang “Simultaneous Distribution of Various Presidential Assistance” para sa beneficiary ng TUPAD, AKAP, Training for Work Scholarship, Farmer’s Assistance at Awarding ng Shared Service Facility, Cooperatives Assistance at iba pa.

Umabot sa 1,694 Lagunense ang tumanggap ng tulong-pinansyal para sa una at ikalawang batch ng programang TUPAD, 988 naman para sa programang AKAP ganun din ang iba’t ibang programa at serbisyong handog sa mamamayan.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga nakiisa sa programa na makabili ng basic commodities at local products sa KADIWA ng PANGULO na nag-offer ng murang bilihin na hatid ng Department of Agriculture.

Nakasama nina Gobernador Ramil Hernandez at Congresswoman Ruth Mariano Hernandez sa naturang aktibidad sina Commission on Filipinos Overseas Sec. Romulo V. Arugay, Department of Labor and Employment PD Guido Recio, Department of Trade and Industry-Laguna PD Christian Ted Tungohan, Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority at Department of Interior and Local Government.

Layunin ng programa na tiyaking walang maiiwan sa pag-unlad at matulungan ang bawat mamamayang Pilipino na nangangailangan.

Source: Laguna PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *