Matagumpay na naisagawa ang ikatlo at ika-apat na batch ng Quezon Educators’ Research Convention 2024 na ginanap sa lalawigan ng Quezon noong ika-14 hanggang ika-15 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay may temang “Empowering Educator: Strengthening Resilience Building Sustainability Through School-Based Research” kung saan ay dinaluhan ito ng 5,982 na mga guro sa ikatlong batch at 6,000 naman sa ika-apat na batch mula sa ikatlo at ika-apat na distrito ng nasabing probinsya.

Ito ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala at 4th District Congressman Atorni Mike Tan at ang guest speaker ay si DepEd IV-A Assistant Regional Director Loida N. Nidea.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong maipakita ang buong suporta sa mga guro na patuloy na nagsisikap upang mas maiangat ang kalidad ng edukasyon sa lalawigan ng Quezon.

Source: Provincial Government of Quezon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *