Naisakatuparan ng Livelihood Project Management Unit (LPMU) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang pamamahagi ng mga Bottom-Set Gillnets sa dalawampung (20) Fisherfolks Association mula sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan nito lamang Hunyo 28, 2024.

Ang proyektong ito, na nagkakahalaga ng Php287,585, ay naglalayong suportahan ang mga lokal na mangingisda at kanilang mga pamilya.

Sa kabuuan, 285 na pamilya, o katumbas ng 1,140 indibidwal, ang makikinabang mula sa nasabing inisyatibo. Ang mga Bottom-Set Gillnets ay mga kagamitang pangingisda na epektibong makakatulong upang mapabuti ang kanilang huli at madagdagan ang kanilang kita.

Ayon kay Gobernador V. Dennis M. Socrates, ang proyekto ay bahagi ng kanilang layunin na mapababa ang antas ng kahirapan sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng nararapat na suporta sa mga mangingisda.

Inaasahan na ang mga bagong kagamitan ay magdudulot ng mas masaganang huli, na magreresulta sa mas matatag na kabuhayan para sa mga benepisyaryo.

Ang matagumpay na pamamahagi ng mga Bottom-Set Gillnets ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na itaguyod ang kapakanan ng mga mangingisda.

Source: PIO PALAWAN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *