Matagumpay na naipamahagi ang Agricultural Inputs para sa 64 na mga magsasaka na tumanggap ng mga dekalidad na mga binhi, fertilizers, insecticides, pesticides, at iba pa sa ilalim ng rice, corn at vegetables production projects ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Ang naturang pamamahagi ay pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamumuno ni Dr. Rodrigo Bautista, Jr, OPAg Department Head.
Isinabay na rin sa nasabing pamamahagi ang para sa mga magsasaka mula sa 34 bayan at siyudad ng lalawigan sa ilalim naman ng provision of inputs project.

Ang aktibidad ay sumasang-ayon sa direktiba ni Governor Hermilando I. Mandanas upang patuloy na matulungan ang mga magsasakang Batangueño tungo sa higit pang pag-unlad ng agrikultura at ekonomiya sa lalawigan.
Source: Batangas PIO