Isang malaking karangalan para sa mga taga-Angono na mula sa kanilang bayan ang nagkampeon sa isang Women’s International Boxing Association (WIBA) sa Light Flyweight Division na ginanap noong ika-30 ng Mayo, 2024 sa Spaceplus Bangkok sa Bangkok, Thailand.

Kinilala ang nasabing kampeon na si Carleans Rivas, ang ipinagmamalaking higanteng anak ng bayan ng Angono, Rizal.

Pinarangalan ng Pamahalaang Bayan ng Angono sa pangunguna ni Mayor Jeri Mae Calderon at Mayor Vice Gerry Calderon si Rivas sa kanyang pagkapanalo.

Ang tagumpay ni Carleans Rivas ay isang makasaysayang kaganapan para sa bayan ng Angono, na patuloy na naglulunsad ng mga programa upang suportahan ang kanilang mga atleta at hikayatin ang kabataan na magpursige sa kanilang mga pangarap.

Umaasa ang pamahalaang bayan ng Angono na mas marami pang kabataan ang mahikayat na sumubok at magtagumpay sa larangan ng palakasan.

Source: Angono PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *