Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro noong Mayo 18, 2024.
Nakiisa at nagpakita ng suporta sa nasabing programa sina Governor Eduardo B. Gadiano, Mayor Rey C. Ladaga, Vice Mayor Santiago Javier Jr., at iba pang mga lokal na opisyal.

Ang kanilang presensya ay simbolo ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikabubuti ng mga mamamayan ng San Jose.
Isang libong tricycle drivers mula sa San Jose ang benepisyaryo ng Php3,000 bawat isa, matapos sumailalim sa masusing validation.

Ang AKAP ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan upang mapagaan ang buhay ng mga sektor na labis na naapektuhan ng pandemya at iba pang krisis.
Ang DSWD naman ay nagpahayag ng kanilang patuloy na suporta sa mga programang tulad ng AKAP na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap at marginalized na sektor.
Sa pagtatapos ng programa, umaasa ang mga benepisyaryo na ang natanggap nila ay makakatulong sa kanilang pang araw-araw na gastusin at magbibigay ng kaunting ginhawa sa gitna ng mga hamon ng buhay.
Sa kabuuan, ang ayuda para sa Kapos ang Kita Program ay isang patunay ng pangako ng pamahalaan na magbigay ng suporta sa mga mamamayan lalo na sa panahon ng pangangailangan.
Source: LGU San Jose, Occidental Mindoro – Municipal Information Office