Itinanggi ng Cavite Provincial Police Office (PPO) at Bacoor Component City Police (CCPS) ang kumakalat umanong “Fake News” patungkol sa pagdami ng mga insidente ng Robbery at Carnapping sa lalawigan.

Ito ay kasunod sa balitang nagbabala sa mga Caviteño tungkol sa grupo ng mga bilanggo na tumakas umano sa Bacoor at tinatarget ang mga residente para sa “Holdup” at pagnanakaw ng motorsiklo.

Nilinaw ng Bacoor CCPS na walang basehan ang naturang tsismis at masigasig na nakipag-ugnayan ang Bacoor PNP sa lahat ng kaukulang pasilidad ng kulungan at napatunayang walang katotohanan ang kumakalat na tsismis.

Nais bigyang-diin ng mga kapulisan na ang kaligtasan at seguridad ng kanilang komunidad ay nananatiling pinakamahalagang prayoridad at walang pagod na nagtatrabaho upang mapanatiling ligtas ang mga mamamayan.

Tinawag ng Cavite PPO ang mga post na “fake news.” Gayunpaman, ang pagkalat ng maling impormasyon ay nagbubunga lamang ng takot at pangamba sa ating mga residente.

Hinihikayat ang lahat na maging mapanuri at maingat sa mga balita online.

Tiyakin ang pinagmulan (sources) bago ibahagi (share), at iwasang palakihin ang walang basehang tsismis na sumisira sa kapayapaan at katatagan ng ating minamahal na lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *