Sa ginanap na 1st Quezon Cacao Summit 2024 na pinangunahan ni Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano at Quezon Governor Doktora Helen Tan, isinusulong na maging cacao capital ng CALABARZON ang lalawigan ng Quezon.

Sa kasalukuyan, nangunguna ang Quezon sa produksyon ng niyog sa bansa at nangunguna rin sa cacao, isda, at mais sa buong CALABARZON. Kaya naman hinahangad din ni Gov. Tan na hindi lamang sa niyog kundi maging sa cacao ay makilala ang probinsya ng Quezon.

Ibinida sa nasabing summit ang iba’t ibang produktong galing sa Cacao tulad ng mga tsokolate, pagkain, inumin, at iba pa.

Layon ng nasabing programa na mabigyang suporta ang mga magsasakang Quezonian na nagtatanim ng cacao upang mas mapalakas at mas mapaunlad ang kalagayan ng kanilang sektor.

Patuloy ang pag-alalay ng Pamahalaang Panlalawigan at iba pang mga tanggapan sa pangangailangan ng mga magsasaka upang maging sustenable ang produksyon ng kakaw, niyog, at iba pang agrikultural na produkto ng probinsya.

Source: Quezon PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *