Patuloy na naisasakatuparan ang Roma Point Bridge o ang itinuturing na pinakamahabang tulay sa buong CALABARZON na matatagpuan sa Probinsya ng Quezon na magkokonekta sa Alabat Island na kung tawagin ay Alquerez Island patungo sa Main Land ng Quezon Province partikular na sa bayan ng Calauag at ang kalsada naman ay magkokonekta sa bayan ng Lopez, Quezon.
Ang imprastraktura ay inisyatibo ng mag-asawang RD Ronel Tan at Governor Doktora Helen Tan na naglalayong mapadali ang transportasyon at “access” sa mga institusyon tulad ng ospital, paaralan at iba pa para sa mga mamamayan ng Isla ng Alquerez.

Taong 2017 sinimulan ang masusing pag-aaral sa nasabing imprastraktura at taong 2018 ito ay sinimulang mapondohan hanggang sa kasalukuyan.
Ang nasabing proyekto ay may halagang Php5.944 bilyon na nagmumula sa General Appropriations Act. Ang nasabing tulay ay may sukat na 2.17km o 2,171m na may dalawang kalsada para sa mga sasakyan, kalsada para sa bisikleta at “side walk”.

Sa orihinal na plano, ito ay may kabuuang 37 piers o poste at taong 2023 ay naitayo na ang ika-19 Pier. Sa kasalukuyang taon, layunin na mapatayo naman ang ika 20-21 na poste.
2028 ang iminungkahing taon upang matapos ang Roma Point Bridge at kapag itoý natapos pwede itong maging pasyalan o Tourist Destination dahil sa gandang taglay ng karagatang nakapalibot dito.
Source: Provincial Government of Quezon